CAUAYAN CITY– Tutumbasan ng pamahalaang lokal ng Ilagan City ang mga alok kay 400 meter hurdles gold medalist Jerico Pacis ng Sta. Isabel Norte, Ilagan City sa 2018 Palarong Pambansa sa Vigan City, Ilocos Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan City Vice Mayor Vedasto Villanueva, sinabi niya na ikinatuwa nila ang panalo ng kanilang kababayan kahit hindi siya kabilang sa mga atleta ng ikalawang rehiyon.
Inamin din niya na nagkaroon ng kapabayaan dahil hindi nila nasubaybayan si Jerico Pacis.
Gayunpaman, bibigyan pa rin nila ng tulong at tutumbasan ang mga alok kay Pacis at hikayating bumalik sa kanilang lugar.
Kabilang si Pacis sa delegasyon ng National Capital Region na nagwagi ng gintong medalya sa 400 meter hurdles sa kanyang unang pagsabak sa Palarong Pambansa.
Maglalaro rin siya sa 4 by 4 relay at 800 meter finals.