--Ads--

CAUAYAN CITY – Mariing itinanggi ng number 1 wanted person sa Cauayan City ang kanyang tatlong kaso ng statutory rape na kanyang kinakaharap.

Ang kasong panggagahasa sa menor de edad laban laban sa akusadong si Villamor Butac,61 anyos, karpintero residente ng barangay Distric 3, Cauayan City ay isinampa noon pang 2016 at 2017.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan , sinabi ni Butac na hindi niya alam ang mga kinakaharap niyang kaso.

Anya, nagulat na lamang siya nang arestuhin ng mga pulis sa pamamagitan ng pagsisilbi ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 40 dahil sa tatlong kaso ng statutory rape.

--Ads--

Ayon pa kay P/Senior Inspector Esem Galiza, pinuno ng Women and Children’s Protection Desk, nakasuhan si Butac dahil sa panggagahasa umano sa menor de edad.

Sexual Assault ang unang isinampang kaso laban kay Butac, subalit sa batay sa desisyon at appreciation ng piskalya ay nauwi sa statutory rape.

Naniniwala si Senior Inspector Galiza, na hindi na makakalaya si Butac dahil ang kasong statutory rape at hindi maaring piyansahan.