--Ads--
CAUAYAN CITY – Umaabot sa 7,000 board feet ng mga labag sa batas na nilagareng kahoy ang natagpuan sa isang bukid sa barangay San Antonio, Ilagan City.
Nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Ilagan Police Station, Ilang kasapi ng CENRO Naguillan at Isabela Environment Task Force sa nasabing barangay sanhi para matuklasan ang mga libu-libong nilagareng kahoy.
Ito ay naka-imbak sa isang bukirin sa nasabing lugar.
Patuloy ang pagsisiyasat ng mga otoridad para matukoy ang uri ng mga nasamsam na kahoy at kung sino ang may-ari nito.
--Ads--




