CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng ina ni 50 meter breaststroke record breaker Jalil Taguinod na si Ginang Estephy Taguinod na mayroong oportunidad na nagbukas para sa kanyang anak.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Taguinod na kinukuha ang kanyang 12 anyos na anak na si Jalil bilang endorser o brand ambassador ng swimming equipment and swimsuit product.
Aniya masaya umanong ibinalita ng kanyang anak ang pagkakabasag niya sa record ni Joshua Acain sa 50 meter breaststroke ng National Capital Region na naitala noong 2006 maliban pa ang muling pagkakasungkit niya sa gintong medalya sa 200 individual medley.
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag pa ni Gng. Estephy Taguinod, ina ni Jalil Taguinod na maliban sa patuloy na pag-eensayo ng kanyang anak ay ang pagkakaroon ng sapat na pagkain, tulog at disiplina sa sarili ang susi sa kanyang pagkakapanalo.
Sasabak muli si Jalil Taguinod sa 50-meter backstroke habang bukas ay sisikaping idepensa at basagin ang sariling record sa 100-meter breaststroke.




