CAUAYAN CITY- Patuloy na pinaghahanap ng San Mateo Police Station ang suspek sa panunutok ng baril na si Zaldy Pacaninding na pansamantalang naninirahan sa barangay Daramuangan Sur.
Ayon sa San Mateo Police Station handang magharap ng kaso ang biktimang si Dave Ruiz laban kay Pacadinding dahil sa panunutok sa kanya ng Cal. 38 na baril.
Nakuha ng PNP San Mateo sa sasakyan suspek ang Cal. 38 na baril.
Bagamat pinaghahanap pa rin ang suspek ay sasampahan pa rin siya ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 (ComprehensiveFirearms and Ammunition Regulation Act),
Umawat lamang si Dave Ruiz sa pananakit ni Pacaninding sa kanyang kaaway ngunit siya ang binalingan nito at tinutukan ng baril.
Mabilis na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima.
Agad tumakas ang suspek matapos makita ang mga pulis.




