--Ads--
CAUAYAN CITY- Nadakip ang isang number 3 wanted person municipal level at number 10 wanted person provincial level na nahaharap sa kasong rape.
Ang dinakip ay si Ricky Bong Tarayao, 26 anyos, isang security guard, walang asawa at residente barangay Ugad, Tumaini, Isabela.
Dinakip si Tarayao ng mga kasapi ng Tumauini Police Station sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas RTC Branch 32 Cabagan.
Dinala Tarayao sa Tumauini Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
--Ads--
Walang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang paglaya ni Tarayao.




