--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay na nang matagpuan ng isang tsuper na huling nakita noong sabado ng gabi.

Ang biktima ay si Roger Cabiat Jr.27 anyos, walang asawa, driver, at residente ng barangay Arabiat, Echague.

Sa paunang pagsisiyasat ng Echague Police Station, huling nakita ang biktima na nakipag-inuman sa bahay ng kanyang kaibigan na si Jomar Calaruan.

Mag-mula noon ay hindi na siya bumalik sa kanilang bahay.

--Ads--

Natagpuan ang bangkay ni Cabiat ngayong araw ng kanyang pamilya at kaibigan sa hindi kalayuan sa bahay ni Calaruan.

Bagamat nakitaan ng sugat sa leeg patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang sanhi ng kamatayan ng biktima.

Hindi naman nakaalitan ng biktima ang kanyang mga nakainuman.

May nakikita nang angulo ang pulisya sa pagpatay sa biktima na isang drug surrenderee.