--Ads--

Cauayan City, Isabela – Libu-libong sako ng bigas na isinakay sa 17 truck na mula sa lalawigan ng Isabela at Cagayan ang umalis na patungong Metro Manila bilang tulong sa kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni NFA Regional Director Mario Gonzales, na ang humigit kumulang 12,000 sako ng bigas ay bilang bahagi ng unang tulong ng mga rice traders na ipapadala sa Metro Manila para sa mas murang presyo na umaabot sa P29.00 kada kilo.

Sinabi pa ni Director Gonzales na ang transaction ay hindi dadaan sa NFA at walang gastusin ang pamahalaan ukol dito.

Sinabi pa ni Director Gonzales na ito ay bilang tugon at pangako ng mga kasapi Philippine Confederation of Grains Millers Association Isabela at Cagayan Chapter na tulong upang mapanatili ang murang presyo para sa tustos ng bigas sa Metro Manila.

--Ads--

Magugunitang nauna nang pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rice traders upang pag-usapan ang kakulangan ng bigas sa bansa.