--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kasong estafa at swindling sa provincial prosecutors office ang isang negosyanteng babae na nadakip sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation ( NBI )Isabela.

Ang nadakip ay si Globilyn Rillera, negosyante at residente ng Amistad, Alica, Isabela habang ang nagreklamo laban sa kanya ay si Joel Marasigan Laba, may-asawa at residente ng District I, San Manuel, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni NBI Provincial Director Tim Rejano na sinampahan na ng kaso si Rillera sa pamamagitan ng inquest case sa Provincial Prosecution Service Office sa Lunsod ng Ilagan.

Batay sa reklamo ni Laba, noong April 5, 2018, kinausap siya ng kababayan niya na si Franklin Alahas na kilalang personalidad sa kanilang bayan na magsasanla sa kanya ng titulo ng lupa si Rillera na nagkakalahaga ng tatlong milyong piso para sa kanyang negosyo sa kiwit o eel.

--Ads--

dahil magaling magsalita, mukhang disente at mayaman ay napaniwala niRillera si Laba at pinautangan ng isang milyong piso.

Noong April 18, 2019 nagpunta ang complainant sa Registry of Deeds at natuklasan na peke ang titulo ng lupa na isinanla ni Rillera.

Nagkataon na babalik si Rillera, April 23, 2018 para kunin ang balanseng dalawang milyong piso kaya isinagawa ang entrapment operation laban sa kanya.