--Ads--
CAUAYAN CITY – Patay ang isang guwardiya matapos mabangga at masagasaan ng isang dumptruck sa Malvar, Santiago City.
Ang biktima ay si Bernabe Quintos Jr., 27 anyos, isang guwardiya at residente ng San Isidro, Isabela.
Ang suspek na nagmamaneho ng dumptruck ay si Franklin Soguilon na residente ng Nabuan, Santiago City.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Santiago City Police Office Traffic Group, na binabagtas ng dumptuck ang lansangan patungong south direction nang biglang lumiko sanhi para mabangga ang nakasalubong na motorsiklong minamaneho ng biktima.
--Ads--
Tumilapon ang biktima na dahilan para masagasaan na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide.




