CAUAYAN CITY– Dinakip ng mga kasapi ng Diadi Police Station ang isang lolo makaraang molestyahin ang limang taong gulang na bata sa Diadi, Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Diadi Police Station, nakita umano ng isang concerned citizen ang ginagawang pangmomolestya ng suspek na si Lolito Peralta, animnapu’t pitung taong gulang, may asawa sa5 anyos na bata na itinago sa pangalang Abby.
Una rito sinamahan umano ng pinaghihinalaan ang biktima na bumili ng ice candy matapos nito ay binuhat ng pinaghihinalaan ang bata na idinala sa isang bahay na walang katao-tao.
Dito na rin umano pinaghahalikan ng suspek ang leeg at labi ng bata ng maraming beses at niyakap ng mahigpit sabay hinaplos ang maselang bahagi ng katawan ng bata.
Matapos nito ay tumakbo at umalis ang suspek patungong national highway habang ang biktima ay umuwi na sa kanilang tahanan.
Agad naming nagsumbong ang nakakita sa naturang pangyayari sa mga magulang ng biktima dahilan upang agad ireklamo sa himpilan ng pulisya na nagresulta ng agarang pagkakadakip ni Peralta.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa naturang Lolo.




