--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang ambulant vendor makaraang pagbabarilin ng riding in tandem criminal sa Sitio Danipao, San Isidro, Luna, Isabela

Ang biktima ay si Rodolfo Fernandez, 50 anyos, may-asawa, isang ambulant vendor at residente ng Purok Kuwatro, Sto Domingo, Luna, Isabela.

Ang biktima ay galing sa pagtitinda at papauwi na sa kanilang tahanan sakay ng kanyang kolong kolong.

Pagsapit ng biktima sa Sitio Danipao, Brgy San Isidro, Luna, isabela, ay dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang bumarIl sa kanya.

--Ads--

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo sa hindi mabatid na direksiyon.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Luna Police Station upang matukoy ang mga suspek sa pagbaril patay sa biktima.