--Ads--
CAUAYAN CITY- Nagtapos ngayong araw ang mahigit isang daang tokhang responders na sumailalim sa community based rehabilitation progam (CBRP) sa Santa Maria, Isabela.
Ayon sa Sta. Maria Police Station, slighly affected o nakatikim ng droga sa impluwensiya ng kakilala ang mga tokhang responders.
Sa bilang na 125 ay dalawa lamang ang babae habang ang isa naman ay hindi nagtapos sa CBRP dahil sa sumakabilang buhay.
Sa kabuoan ay umaabot sa 223 ang bilang ng mga tokhang responders sa bayan ng Sta.Maria, Isabela ngunit ang natitirang 98 ay patuloy na sumasailalim sa community based rehabilitation progam.
--Ads--




