--Ads--

CAUAYAN CITY- Tinupok ng apoy ang apat na bahay sa Purok 2 Barangay Mabini, Santiago City .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni SFO 1 Alberto Timbal, Chief ng Arson Investigation ng BFP Santiago City,na nangyari ang sunog lampas ng Calao Brige malapit sa Rotonda.

Anya pawang mga residential at gawa sa light material ang mga nasunog na bahay.

Makalipas ang dalawampung minuto ng pag-apula sa sunog at idineklara rin itong fire-out.

--Ads--

Masuwerte namang walang tao sa mga bahay at walang nasaktan nang mangyari ang sunog.

Sa ngayon ay inaalam pa ng BFP Santiago City kung ano ang naging sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga tinupok ng apoy.