--Ads--

Lalaking may kasong rape na nagtago ng maraming taon, nadakip

CAUAYAN CITY – matapos ang ilang taong pagtatago ay nadakip ang number 4 wanted person dahil sa panghahalay sa dalagitang anak ng kanyang dating kinakasama sa Jones, Isabela.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bonifacio Ong ng Regional Trial Court Branch 24 sa Echague, Isabela ay dinakip sa Aguinaldo, Ifugao ang suspek na itinago sa pangalang Rudy, 58 anyos at residente ng Jones, Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Chief Inspector Rex Pascua, hepe ng Jones Police Station na 3 counts of rape amh kinakaharap ng suspek matapos nitong gahasain ang 13 anyos na dalagita.

--Ads--

Anya nangyari ang panggagahasa ng suspek sa biktima noong 2014 kapag namamalengke noon ang kanyang ina..

Hindi umano nakapagsumbong ang biktima sa kanyang ina dahil pinagbantaan siya na papatayin silang mag-ina.

Nahalata ng kanyang ina na nagdadalang tao na ang kanyang anak dahil sa iba na ang kanyang ikinikilos.

Ngayon ay mag- 4 anyos na ang anak ng biktima.

Bumiyahe ng anim na oras ang mga kasapi ng Jones Police Station katuwang ang mga kasapi ng Aguinaldo Police Station bago nadakip ang akusado dahil maituturing na kritikal ang lugar na kinaroroonan ng suspek sa lalawigan ng Ifugao.

Walang inerekomendang pyansa para sa pansamantalang pagalaya ng suspek.