Pinapalago na ang industria ng kape sa region 2
CAUAYAN CITY – Naniniwala ang Provincial Government ng Quirino na kayang gawin ng ibang lalawigan region 2 ang pagpapalago ng industriya ng kape para labanan ang kahirapan ng mga magsasaka.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gov. Junie Cua ng Quirino sa ginanap na coffee business forum sa Ilagan City na kung ihahalintulad ang kita sa pagtatanim ng kape ay malayo sa kita sa pagtatamin ng palay o mais.
Bukod sa mahaba ang life span at kaunti ang maintainance ay marami ring nabibigay na bunga ang isang puno ng kape.
Anya maaaring kumita ng P/100,000.00 kada taon ang isang ektaryang taniman ng kape sa maliit na puhunan.
Kumpara naman anya sa ani ng mais at palay na may pagkakataon pa ring mababa ang kita ng mga magsasaka dahil sa kalamidad .
Dahil dito iminumungkahi ni Gov. Cua ang pagtatanim ng kape para madagdagan ang kita ng mga magsasaka.
Bagamat hindi kape ang pangunahing tinatamin nila sa lalawigan ng Quirino, ay hinihikayat ng Gobernador ang mga magsasaka sa kanilang lugar ang pagtatanim ng kape kahit sa pagitan lang ng mga pananim na saging.
Bagamat nagsisimula pa lamang ang industriya ng kape sa region 2 ay malaking bagay na ang pagpapakilala sa industriya ng kape para makatulong sa mga magsasaka.
Kailangan anyang magkaroon ng kooperatiba ang mga magsasaka upang makaiwas sa mga traders na mapang-abuso.
Idinagdag pa ni Gov. Cua na kaakibat ng pagpasok ng industriya ng kape ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman mula sa pagtatanim hanggang sa konsepto ng packaging nito.




