--Ads--
CAUAYAN CITY- Dinakip ang isang ama sa makaraang muling tangkaing gahasain ang kanyang 12 anyos na anak sa Alfonso Lista, Ifugao.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Alfonso Lista Police Station, sinabi umano ng ama sa kanyang anak na pupunta sila sa isang kamag-anak subalit dinala niya ang bata sa isang kubo at dito tinangka gahasahin.
Nagpumiglas ang bata kung kayat nakatakbo ang biktima at agad na siyang nakapagsumbong sa mga malapit na residente.
Dahil dito dinakip ang suspek at dinala sa Alfonso Lista Police Station.
--Ads--
Lumabas sa medical examination ng bata na mayroon siyang old laceration.
Ito ay dahil dati na umanong hinalay ang bata ng kanyang ama.




