--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang magsasaka na may kasong frustrated murder ang nadakip ng mga kasapi ng Gamu Police Station.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rodolfo Dizon ng Regional Trial Court branch 18 Ilagan City, nahuli si Maximo Sablay, 38 anyos, may-asawa at residente ng Mabini, Gamu, Isabela.

Pinangunahan ni P/Sr. Insp. Richard Limbo, hepe ng Gamu Police station ang pagdakip kay Sablay.

Kailangang maglagak ng P/200,000.00 piyansa ang suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

--Ads--