CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( Comprehensive firearms and ammunition regulation act ) at paglabag sa COMELEC Gun Ban ang isang kawani ng pamahalaan.
Ang suspek ay si Raul Sotto 42 anyos, may asawa at residente ng San Juan, Cabagan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cabagan Police Station, nagsasagawa sila ng monitoring kasama ang Criminal Investigation and Detection Group kaugnay sa na-ipaabot sa kanila na umanoy illegal logging activities sa naturang Lugar nang makita nila ang isang lalaking may baril na nakasukbit sa kanyang baywang.
Walang naipakitang dokumento si Sotto kayat dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Nakuha sa kanyang pag-iingat ng suspek ang isang Cal. 45 pistol, 14 na bala at dalawang magazine.