--Ads--

CAUAYAN CITY – Namatay ang isang 5 anyos na batang lalaki matapos mabangga ng sports utility vehicle (SUV) na minaneho ng lasing na lalaki sa brgy Sta. Catalina, Ilagan City.

Ang biktima ay si Norman, hindi tunay na pangalan habang ang suspek na nagmaneho ng SUV ay si Joey Rivera, 45 anyos, may asawa, dating OFW at kapwa residente ng Sta. Catalina, Ilagan City.

Ayon sa paunang impormasyong nakuha ng bombo Radyo sa Ilagan City Police Station, binabagtas ng SUV ang barangay road ng sta. Catalina ng mabunggo ang naglalakad na bata sa gilid ng daan.

Tumilapon ang bata at nagtamo ng sugat sa kanyang katawan habang napag-alaman namang lasing ang tsuper ng sasakyan matapos isailalim sa alcoholic breath test.

--Ads--

Kaagad dinala sa ospital ang bata ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon ang suspek ay nasa pangangalaga pa lamang ng PNP Ilagan para sa dokumentasyon at disposisyon.