CAUAYAN CITY – Nababahala ang City Agricuture Office sa pagtatamin na ng ilang magsasaka ng mais sa lupain na malapit sa ilog dito sa Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Agricuturist Rifino Arcega na nasa sampong bahagdan ang mga nakapagtanim sa mga naturang mga lugar sa Cauayan City .
Anya nababaahala siya dahil maaari pa ring masira ang mga naturang pananim kahit na tumubo na ang ilan kung wala pang mga pag-ulan.
Maaari pa rin namang umanong maka-rekober ang mga pananim kung magkakaroon ng paminsan-minsang pag-ulan.
Sa ngayon ay wala pa umanong naipaparating sa kanilang tanggapan kaugnay sa mga nasirang mga pananim.
Ipinapayo ni City Agricuturist Arcega na ipagpaliban muna ang pagtatanim ng mais hanggat magkaroon na ng mga pag-ulan.
Dahil umano sa Climate Change kung kayat hanggang sa ngayon ay kaunti palang na magsasaka ang nakakapagtanim gayong kadalasang nakakatanim na sila sa mga nakalipas na taon sa kalagitnaan ng mayo.
Ipinayo ng DA sa mga magsasaka na ipa-insure ang kanilang mga pananim na mais.
Anya kinakailangan lamang na makipag-ugnayan sa mga farm technician na nakatagala sa mga barangay upang mabigyan ng payo sa dapat gawin sa pagtatanim at pagpapa-insure ng mga pananim.




