--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay sa pananaga ang isang lalaki na nakaalitan ang nakainuman sa barangay San Juan, Ilagan City.

Ang suspek ay si John Mateo, nasa tamang edad, laborer at residente ng San Mariano, Isabela habang ang biktima ay si Francisco Mandoza, nasa tamang edad, walang asawa at residente ng barangay San Juan, Ilagan City.

Batay sa pagsisisyasat ng Ilagan City Police Station, nag-iinuman umano ang mga sangkot sa bahay ng kanilang kakilala nang bigla umanong binato ng biktima ang suspek ng bottle opener.

Dahil dito ay nagsimula ang kanilang pagtatalo.

--Ads--

Sinubukan umano silang pigilan subalit hindi sila nagpapigil hanggang sa maglabas ng itak ang suspek at tinaga ang biktima na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

Agad tumakas ang suspek subalit ilang oras matapos ang insidente napag-isapan din niyang sumuko sa kanilang punong barangay na siyang nagdala sa Ilagan City Police Station.

Nag-usap na umano ang pamilya ng dalawang sangkot na may layuning magkasundo.