--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinisiyasat na ng Scene of the Crime Operative (SOCO) at Cordon Police Station ang nangyaring panloloob sa tanggapan ng Comelec Cordon sa Isabela.

Ayon kay Election Officer Atty. Cristopher Tijam, nagulat ang mga tauhan ng makitang bukas at sira na ang vault na naglalaman ng mahigit P/7,000.00 .

Maswerte namang hindi natangay ang mga perang pampasahod sana sa mga gurong nagsilbing Electoral Board noong nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan election.

Inaalam na ng mga otoridad kung anong oras naganap ang pagnanakaw, ang tunay na motibo ng panloloob at kung may iba pang natangay maliban sa nabanggit na halaga ng pera.

--Ads--

Hinihinala naman umanong mga kabataang nasa 18 hanggang 22 anyos ang nanloob dahil sa liit ng butas na nakita sa kisame na dinaanan ng mga suspek.