--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit 1,000 mga atleta at coaches ang lumahok sa parada bilang openning ceremony ng 2018 Philippine Athletics Championships sa lunsod ng ilagan ngayong araw na magtatapos sa June 4, 2018.

Pinangunahan ng mga prominenteng atletang Filipino-American na sina Eric Cray at Anthony Beram, Maristela Torres at Elma Muros ang kampanya ng Pilipinas sa 2018 Philippine Athletics Championships na lalahukan ng mga atleta ng umaabot sa labinlimang bansa tulad Poland, Estados Unidos at mga bansa sa Asya.

Kaugnay nito ay pinahigpitan ng pulisya ang pagbibigay seguridad sa mga atleta.

Inihayag ni P/Supt. Rafael Pagalilauan, ang hepe ng City of Ilagan Police Station na handa ang kanilang buong puwersa sa pagkakaloob ng seguridad sa mahigit isang libong atleta at kanilang coaches maging sa mga manonood habang isinasagawa ang nasabing palaro.

--Ads--

Sa ngayon ay patuloy ang pag-usad ng parada ng na nagsimula sa harapan ng Ilagan City Hall patungong Ilagan City Sports complex kung saan gaganapin ang openning ceremony 2018 Philippine Athletics Championships.

Magkakaroon naman ng konsiyerto ngayong gabi ang mang-aawit na si Morisette upang aliwin ang mga atleta bago sumabak sa palaro bukas.

Dahil sa mainit na temperatura ay magsisimula ang mga laro dakong 5:00 a.m.- 10:00 a.m. at 4:00 p.m. – 6:00 p.m.