--Ads--

CAUAYAN CITY- Dalawang manlalaro mula sa Isabela na produkto ng 2017 Phil. National Invitational open na ginanap din Ilagan City ay sumabak na sa pandaigdigang paligsahan na ginanap sa ibang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng Regional Director Drolly Claravall ng Philippine Athletics Track And Field Association (PATAFA) Region 2 na muling napili ang Ilagan City na pagdausan ng 2018 Philippine Athletics Championships dahil sa magandang outcome ng ginanap na 2017 Phil. National Invitation open

Sa katunayan anya, si Wally Gacusan na silver medalist sa boys high jump ng Isabela ay sinamahang niyang makipagpaligsahan sa Thailand.

Naging maganda anya ang ranking dito ni Gacusan na pumang-siyam mula sa 43 bansang lumahok.

--Ads--

Habang si John Carlo Yuson na bronze medalist sa 200 meter ay naglaro din sa Singapore kasama niya si Lerma Balauitan sa high jump .

Dito naiuwi sa bansa ni Yuson ang medalyang bronze at silver naman ang naiuwi ni Balauitan sa high jump.