--Ads--

Mahigpit na pagpapatupad ng ceasefire,ipapatupad ng CPP-NPA-NDF- CPP Founder

CAUAYAN CITY- Nangako ang pamunuan ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na magpapatupad ng mahigpit na ceasefire kapag muling nagbukas ang peace talks.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na sa pagkakaroon palang ng stand down agreement pangunahin na sa coordinated unilateral ceasefire nangangako siya sa mas mahigpit na pagpapatupad ng ceasefire.

Hiniling niya na dapat magkaroon din ng mahigpit na pagpapatupad ng ceasefire ang pamahalaan.

--Ads--

Umaasa siya na kung mayroon mang magaganap na paglabag sa ceasefire ay hindi ito dapat maging sanhi ng agarang pag-atras ng pamahalaan sa peace talks

Anya dapat isumbong sa joint monitoring committee sa ilalim ng Comprehensive Agreement for Respect of Human Rights and International Humanitarian Law ang anumang mangyari sa kalagitnaan ng ceasefire.

May natutunan na rin umano sila sa mga nakalipas na usapan ng pamahalaan at komunistang grupo.