CAUAYAN CITY – Tiwala ang isang gold medalist sa nagpapatuloy na 2018 Philippine Athletics Championships na disiplina ang pinakamahalagang factor upang magtagumpay ang isang atleta o isang tao sa anumang larangan.
Ito ang binigyang diin ni Macrose Dicioso ng Phil. Army team matapos makuha ang gintong medalya sa oras na 39 minutes and 41 second sa 10,000 meter women category at sinundan ito ng kanyang team mate na nakuha ang pilak na medalya ni Jho-An Villarma habang ang bronze madal ay nakuha ni Lany Adaoag.
Sinabi ni Dicioso na bagamat hindi nababasag ang May 2000 Phil. National Record sa 10,000 meter women category na 34 minutes and 40.3 second ay nais niyang ibahagi na displina ang kinakailangan niyang upang magtagumpay.
Naging inspirasyon din niya ang kanyang 4 anyos na anak at bagamat maaga siyang nag-kaanak ay hindi naging sagabal upang magpursigi hanggang sa naging pambato ng Phil. Army.
Patuloy anya siyang lalaban hanggang mapabilang sa national team at makapag-uwi rin karangalan sa bansa.



