--Ads--

CAUAYAN CITY – Naiuwi na ang mga labi ng estudyanteng Pinay na kinidnap at pinatay sa Dublin, Ireland sa kanilang tahanan sa barangay Banganan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Barangay Kagawad Elsa Prado ng Brgy Banganan, dakong alas tres kaninang madaling araw ng maiuwi ang bangkay ng pinay student Jastine Valdez, 24-anyos.

Inihayag pa Barangay Kagawad Elsa Prado sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan na lungkot ang naramdaman ng kanilang  kabarangay sa pagsalubong sa bangkay ng pinay student dahil sa sinapit nito.

Anya ,napagpasyahan ng pamilya ng biktima na ililibing ang mga labi ni Jastine sa mismong kaarawan nito sa June 29, 2018.

--Ads--

Magugunitang si Jastine ay kinidnap at pinatay sa hindi pa malamang dahilan noong May 19, 2018 habang papauwi sa kanilang tahanan galing paaralan.

Natagpuan nalamang ng mga otoridad ang sasakyan ng suspek na nanlaban umano kaya ito nabaril, habang wala nang buhay nang matagpuan ang bangkay ng biktima.

Si Jastine Valdez ay Nag-iisang anak at nag-aaral sa South County Dublin sa kursong Bachelor of Science in Accountancy.

Habang nag-aaral ay nagtatrabaho din siya para matulungan ang mga pinsan nito sa Nueva Vizcaya.