--Ads--

CAUAYAN CITY – Sa ikaapat na pagkakataon, muling nakamit ng Isabela ang Outstanding Rice Achievers Award na may kasamang cash incentives na 4 million pesos.

Ang Isabela ang ikalawang pinagmumulan ng malaking supply ng bigas sa bansa

Ang award mula sa Department of Agriculture at National Irrigation Administration o NIA ay tinanggap kahapon ng mga lokal na opisyal sa Isabela sa pangunguna ni Gov. Bojie Dy sa ginanap na programa sa Philippine International Convention Center (PICC).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng isa sa mga nagtungo sa PICC para sa pagtanggap ng award na si Board Member Fred Alili, vice chairman ng committree on agriculture na isang milyong piso rin ang natanggap ng LGU San Mateo sa pagiging Outstanding Municipality habang 500,000 pesos sa Bagong Silang Irrigators Association ng Alicia, isabela.

--Ads--

Special Award din ang natanggap ng Lucban Small Water Irrigation Service Association ng Benito Soliven, Isabela at Aneg Small Water Irrigation System Water Service Cooperative ng Aneg, Delfin Albano.

Gagamitin ang mga natanggap na cash incentives para sa mga proyekto upang ibayong matulungan ang mga magsasaka sa Isabela.