CAUAYAN CITY – Dinakip ang isa sa nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal na droga sa Santiago City.
Ang dinakip ng pinagsanib na puwersa Regional Intelligence Division ng Regional Drug Enforcement Unit Region 2, Philippine Drug Enforcement Agency kasama na Station one ng Santiago City Police Office ay si Rene Imperial, 31 anyos , tattoo artist at residente ng Mabini, Santiago City.
Sa isinagawang drug buy bust operasyon ng mga otoridad ay nasamsam sa pag-iingat ni Imperial ang humigit kumulang 600 gramo ng marijuana at buy bust money.
Inihayag ni Police Chief Inspector Rolando Gatan, hepe ng Station 1 ng Santiago City Police Office na inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban kay Imperial.




