CAUAYAN – Masaya pa rin si Eric Shauwn Cray sa kabila ng kabiguan na makuha ang gintong medalya sa 200 meter run sa nagpapatuloy na Phil. Athletics Championships sa City of Ilagan Sports Complex.
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kay Olympian Eric Shauwn Cray sinabi niya na national record holder ang tumalo sa kanya na si Trenten Anthony Beram bagamat sila ay kapwa kabilang sa iisang koponan na RP team City of Ilagan.
Sa final result ng 200 meter run men category ang silver medalist na si Cray ay nakapagtala sa bilis na 29.79 second habang ang gold medalist na si Beram ay nakapagtala ng 29.11 second.
Si Beram ang kauna-unahang pinoy na double gold medalist noong 2017 SEA Games.
Ang bronze madal ay nakuha naman ni Joan Caido ng University of Baguio sa bilis na 32.7 second .
Naniniwala si Cray na nabigyan niya ng magandang laro ang mga nanood sa kanilang laban dahil maituturing na maliit lamang ang agwat sa kanya ng gold medalist na si Beram .
Anya beterano na si Beram sa 200 meter at 400 meter bagamat ang kanyang forte naman ay sa larangan ng hurdles.
Sa kabila nito ay naghahanda pa rin si Cray para maging kinatawan ng Pilpinas sa SEA Games at maging sa olympic games.




