CAUAYAN CITY- Masuwerteng nakaligtas ang Liga ng mga Barangay (LMB) President ng Angadanan, Isabela matapos tambangan ng rinding in tandem criminal sa isang tulay sa Angadanan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni LMB President Reynaldo Panganiban na galing siya sa isang handaan ng isang bagong panalong barangay kapitan sa Ramona, Angadanan at pagdating sa isang tulay sa Ingud Norte ay bigla nalang pinaputukan ang kanyang sasakyan ng dalawang suspek na inakala niyang nangunguryente lamang ng mga isda sa ilog.
Masuwerteng ang dalawang gulong lang ng kanyang sasakyan ang tinamaan at nagawa pa nitong napatakbo ng halos 150 metro.
Anya agad siyang bumaba sa kanyang sasakyan para gumanti ng putok subalit dito na tumakas ang mga suspek sakay ng isang pulang motorsiklo.
Matagal nang may banta umano sa kanyang buhay at maaaring inggitan sa pulitika ang motibo sa pamamaril.
Nakita sa pinangyarihan ng pamamaril ang mga basyo ng bala ng Cal. 45 baril.
Samantala, inihayag naman ng pamunuan ng Isabela Police Provincial Office na sisiyasatin nilang maigi ang nasabing pangyayari.




