--Ads--

Binatang nasamsaman ng 4 sachet ng shabu at baril, kakasuhan

CAUAYAN CITY – Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag Republic Act 9165 (Comprehesive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (ComprehensiveFireramns and Ammunition regulation act) ang isang lalaki na nasamsaman ng apat na sachet ng hinihinalang shabu at isang Cal. 38 na baril sa barangay Antonino.

Ang nadakip ay si Christian Mark Barnal,23 anyos, binata at residente ng Minante Uno, Cauayan City, Isabela.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa hepe ng Alicia Police Station na si P/Chief Inspector Darwin John Orani kanyang sinabi na dinakip si Barnal sa drug buy bust operation matapos makakuha ng impormasyon na nagbebenta ng shabu sa Barangay Antonino matapos bentahan ng Shabu ang isang pulis na nagpanggap na possuer /buyer.

--Ads--

Nakuha sa pangangalaga ng suspek ang apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakalagay sa iisang plastik, Cal. 38 na baril na may limang bala, at marked money.

Ayon pa kay Chief Inspector Orani, bagamat hindi umano surenderer si Barnal sa Cauayan City ay mayroon naman siyang dating kaso sa lugar.