--Ads--

CAUAYAN CITY– Huli na ang pagsisisi ng isang technician ng isang department store sa Santiago City matapos mahuli sa kuha ng CCTV ang kanyang ginawang pagpupuslit ng mga paninda.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Jade Chu, 32 Anyo asawa at may-ari ng naturang department store na tuwing may bumibili ang kanilang costumer ay tinitesting bago pabayaran subalit kanya umanong sinasabi na may depekto ang kanilang mga paninda at inilalagay sa hiwalay supot.

Anya sinasabi umano ng technician na papalitan niya ang mga naturang paninda subalit hindi na niya ibinabalik ang mga sinasabi niyang depektibong paninda sa halip ay ibinibigay umano niya ito sa kanilang mga costumer.

Sa kanya na rin umano ibinibigay ang kanilang mga bayad subalit hindi niya ito ibinibigay sa may-ari.

--Ads--

Naghinala ang may-ari dahil sa madalas na pagbili ng kanilang mga costumer at siya ang laging hinahanap.

Itinataon umano ng suspek ang gawain tuwing marami silang mamimili upang hindi mahalata ng may-ari at kasamahan sa trabaho.

Halagang dalawang libo at apatnaraan ang mga panindang ipinupuslit ng suspek subalit nang makita ng may-ari na iba ang kanyang kinikilos at nang makita sa CCTV Camera na siya ay magpupuslit sana ay agad na siyang isinumbong sa himpilan ng pulisya.

Sa pagtugon ng Santiago City Police Office Station 2 ay nadakip ang suspek at nakuha sa kanya ang 12 head light na nagkakahalaga ng P/120.00.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong pagnanakaw.