CAUAYAN CITY– Dinakip ng mga kasapi ng Santiago City Police Office (SCPO) Station 2 at San Manuel Police Station ang 10 kalalakihan na naaktuhang pagsusugal ng pusoy.
Sa pamumuno ni P/Chief Insp. Reynaldo Maggay, hepe ng SCPO Station 2 ay nadakip ang mga nagsusugal na kinabibilangan ng 64 anyos na lalaki, 45 anyos na isang tsuper, isang suveryor at 56 anyos na dating opisyal ng barangay na pawang residente ng Purok 1 Victory Norte, Santiago City.
Nakuha sa kanila ang mga barahang ginamit sa pagsusugal, at halagang P/1,156.00 bet money at isang mesa.
Nahuli rin ng mga kasapi ng San Manuel Police Station ang anim na mga pinaghihinalaang sa isinagawang anti-illegal gambling operation sa barangay Nueva Era. .
Naaktuhan ang mga kalalahihan ng mga pulis na naglalaro ng tong-it kaya’t sila ay dinakip.
Isa ang tumakas nang makitang may mga pulis ngunit hindi ligtas sa kaso dahil nakilala siya ng mga pulis.
Nasamsam ng mga pulis ang mga gambling paraphernalia at bet money
Ang 10 kataong nahuli ay nasa pangangalaga ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling).




