CAUAYAN CITY – Frustrated homicide ang kakaharaping kaso ng isang magsasaka matapos niyang saksakin ang kanyang nakababatang kapatid sa Paragu, Tumauini, Isabela.
Ang suspek ay si Roque Taccad, may-asawa, 59 anyos habang ang biktima ay Nolasco Taccad, Jr, 47 anyos, kapwa reidente ng ng nasabing lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Provincial Police Office, may hindi pagkakaunawaan ang biktima at suspek hinggil sa kanilang bahay.
Pinagbawalan na umano ng biktima at kanyang kinakasama ang suspek na tumira sa kanilang bahay kaya’t nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nagdulot ng pagkakasaksak sa biktima.
Agad dinala sa pagamutan ang biktimang si Nolasco habang ang suspek na si Roque ay nasa pangangalaga na ng Tumauini Police Station.




