--Ads--

CAUAYAN CITY – Ginawaran na ng wounded personnel Medal ang lima sa pitong sundalong nasugatan matapos ang kanilang pakikipaglaban sa mga kasapi ng New Peoples Army sa Brgy. Mabbayad, Echague, Isabela.

Inaasahan ding mabibigyan ng kahalintulad na parangal ang dalawa pang kasapi ng 86th Infantry Batallion na nananatili pa rin sa magkahiwalay na pagamutan.

Ayon kay Army Capt. Jefferson Somera, pinuno ng Division Public affairs office ng 5th Infantry Division, ang nasabing pagkilala ay ipinagkakaloob sa mga sundalong nasusugatan sa engkuwentro.

Personal itong iginawad ni Lt. Gen. Emmanuel Salamat, Jr, ang Commander ng Northern Luzon Command sa Camp Melchore F.Dela Cruz Station Hospital sa bayan ng Gamu, Isabela.

--Ads--

Maliban sa pagkilala ay binigyan din ng cash Assistance ang nasabing mga sundalo.