CAUAYAN CITY -Sugatan ang dalawang mag-aaral matapos mabangga ng motorsiklo sa barangay Santa Maria, Cauayan city.
Ang mga biktimang nasa 6 anyos at 7 anyos biglang tumakbo upang tumawid sa daan patungo sa kanilang paaralan ng mabangga ng motorsiklong minamaneho ni Benedict Sumaoang, 46 anyos, residente ng Maligaya, Cauayan City.
Ang motorsiklo ay patungong silangang direksiyon nang mabangga ang dalawang bata.
Sa pagkakabangga ng dalawang bata ay tumilapon ang mga biktima gayundin ang drayber ng motorsiklo na si Sumaoang sanhi para magtamo sila ng gasgas at sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Agad tumugon ang mga kasapi ng Rescue 922 at isinugod sa Cauayan District Hospital ang dalawang mag-aaral at drayber .
Kinausap naman ng daryber ang mga magulang ng mga batang mag-aaral at nangakong sasagutin ang pagpapagamot ng mga bata.
Nag-paalala naman ang mga pulis sa mga magulang na gabayan sa pagtawid sa daan ang mga anak na pumapasok sa mga paaralan upang maiwasan ang aksidente.




