--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng 5th Infantry Division sa Camp Melchor Dela Gamu, Isabela na hindi sila magkukulang sa mga sandata na ipagkakaloob sa mga magtatapos na candidate soldiers

Inihayag ni Major General Perfecto Rimando Jr., Commander ng 5th Infantry Division Phil. Army sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan na hindi pa nagkukulang ang kanilang ipinagkakaloob na sandata sa mga bagong sundalo at handa naman ang pamahalaan na ibigay ang kanilang pangangailangan.

Aniya, itinuturing na nila ang kanilang baril na asawa dahil kailangan nila ito upang depensahan ang kanilang sarili pangunahin na ang mga sundalong nakatalaga sa mga liblib na lugar.

Puntirya ngayon ng 5th ID na dagdagan pa ang bilang ng kanilang hanay para sa pagbibigay serbisyo sa bayan.

--Ads--

Tiniyak niya na ang lahat ng mga bagong sundalo ay mabibigyan ng kanilang baril sa kanilang pagtatapos.

Kaugnay nito, hinikayat pa ni Major General Perfecto Rimando ang mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army ( NPA ) na sumuko na lamang sa pamahalaan upang mabigyan ng pagkakataong magbago at makasama ang kanilang mga pamilya.