--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang apat katao kabilang ang 4 anyos na bata sa karambola ng 3 truck sa Burgos, Alicia, Isabela.

Ang mga sangkot sa karambola ay ang puting elf truck na may plakang AWA 2626 na may lamang limang steel round bar at 20 bags ng semento na minamaneho ni Mark Anthony De Guzman, 30 anyos, may-asawa, residente ng San Fernando, Alicia, Isabela; isang asul na Isuzu trailer truck na may plakang WJK 266 na minamaneho ni Jonel Molina, 29 anyos, may-asawa, residente ng Betabian, San Mariano, Isabela at isang asul na tricycle na may plakang 5894 BX na minamaneho ni Edwin Llaneras,53 anyos, may-asawa, residente ng Burgos, Alicia, Isabela.

Ang mga nasugatan ay ang tsuper ng tricycle, mga sakay nitong sina Hexie Rimando, 28 anyos, ang kanyang anak na 4 anyos at ang kasama ng tusper ng elf truck na si De Guzman at ang kanyang helper na si Norvin Natividad, 28 anyos, residente ng Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay PO2 Jayson Pascua, tagasiyasat ng Alicia Police Station patungong Cauayan City ang elf truck ng mabunggo ng sumusunod na trailer truck kung kaya nawalan ng kontrol ang elf truck na dahilan naman para mabangga ang tricycle.

--Ads--

Tumama sa kongretong bakod ang trailer truck dahil sa pagkawala ng kontrol sa manibela ng nagmamaneho.

Tumilapon naman ang mga sakay ng tricycle na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Kaagad namang dinala ng Rescue 531 sa hospital ang mga biktima para malapatan ang mga tinamong sugat sa kanilang mga katawan.

Nangako naman ang tsuper ng truck na tutulong sa mga biktima.