--Ads--

CAUAYAN CITY- Kinilala ng isang lalaki na bangkay ng kanyang ina ang bangkay ng babaeng natagpuan sa ilog ng Cagayan sa barangay Santa Luciana, Cauayan City.

Ang nalunod aay si Helen Domingo, 50 anyos, may asawa at residente ng Villa Domingo, Angadanan, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police C/Insp. Benigno Asuncion, Deputy Chief of Police ng Cauayan City Police Station na natagpuan umano ni Ruben Obido, residente ng Santa Luciana, Cauayan City ang bangkay ng biktima habang siya ay nangingisda sa naturang ilog.

Una na umanong napaulat na nawawala ang biktima dalawang araw na ang nakalilipas.

--Ads--

Positibong kinilala si Ginoong Bernard Domingo ang bangkay ng kanyang ina.

Ayon sa anak ng biktima, mahina na rin umano ang kanyang ina.