--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaabot sa 500 board feet ng abandonadong nilagareng kahoy natagpuan sa tabing ilog sa Brgy. Bitabian, San Mariano, Isabela

Ayon sa Isabela Police Provincial Office, nakatanggap ng impormasyon ang San Mariano Police Station na may mga abandonang nilagareng kahoy sa gilid ng Pinakanawan River.

Sa pagtugon ng mga pulis, natagpuan nila ang mga nilagareng kahoy.

Agad dinala ang mga kahoy sa himpilan ng pulisya bago ipasakamay sa DENR.

--Ads--

Patuloy na inaalam ng San Mariano Police Station kung sino ang may kagagawan sa pag-abandona sa mga nalagareng kahoy sa gilid ng Pinakanawan River.