--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasa top 4 at top 5 Wanted Person Municipal level ang kabilang sa apat na magsasaka na nadakip ng mga kasapi ng Roxas Police Station.

Ang mga nadakip ay sina John Loyd Vallejo, 19 anyos, no. 4 most wanted person; Ray Bryan Marcelo, no. 5 wanted person at sina Efren Alcantara, 41 anyos at Rowell Marcelo, 26 anyos, pawang magsasaka at mga residente ng Brgy. San Rafael, Roxas, Isabela.

Nag-ugat ang kasong homicide at frustrated homicide ng apat nang magkaroon ng kaguluhan sa isang bahay inuman ang dalawang grupo ng mga kalalakihan.

Sa nasabing kaguluhan ilang taon na ang nakakaraan, nasawi ang isa habang nasugatan ang tatlong kalalakihan.

--Ads--

Isinilbi ng mga kasapi ng Roxas police station ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bernabe Mendoza ng Regional Trial Court Branch 23, Roxas, Isabela sa kabila ng nagkaroon na ng pag-uusap ang magkabilang panig na ayusin na lamang ang nasabing kaso.

Kailangang maglagak ang bawat akusado ng piyansang P/100,000.00 sa kasong homicide at p/60,000.00 para sa kasong frustrated homicide.