--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinatayang aabutin ng tatlong linggo bago maiuwi ang bangkay sa kanilang bahay sa   San Andres, San Mateo, Isabela ang bangkay ni Alma Cristobal, ang OFW na nahulog umano mula sa ika-anim na palapag ng gusali na tinitirhan ng kanyang amo sa Lebanon.

Duda ang mga kapamilya ni cristobal na talagang siya ay nahulog sa gusali dahil may nagsabing OFW na nasa likod niya ang kanyang amo habang siya ay nagsasampay ng mga nilabhang damit.

sinabi ni gng. marilyn orpia na inaasikaso ng isa nilang kapatid na nasa lebanon din ang pag-uwi ng bangkay ng kanilang kapatid na si Alma.

Hindi na sila pumayag na isailalim sa awtopsiya dahil aabutin ng ilang buwan bago maiuwi ang kanyang bangkay sa pilipinas.

--Ads--