--Ads--

Pagtaob ng trailer truck sanhi ng 5 oras na pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Caranglan, Nueva Ecija

CAUAYAN CITY – Nakaranas ng mahigit limang oras na matinding pagsisikip ng daloy trapiko sa national highway ng Brgy Capintalan, Caranglan, Nueva Ecija matapos bumaliktad o tumaob ang isang trailer truck na naglalaman ng mga soft drinks.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Inspector Leandro Gadong Deputy Chief Of Police ng Caranglan Police Station dakong 2:00 am ng mawalan umano ng kontrol ang trailer truck na patungong manila bunsod umano ng madulas na lansangan.

Nagtamo lamang ng gasgas sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tsuper ng trailer truck na mula Isabela at nabasag ang ilang karga nitong soft drinks.

--Ads--

Ayon pa kay Inspector Gadong na naibalik nila sa normal ang daloy ng trapiko sa naturang daan kaninang 9:00 am matapos maibangon ang naturang trailer truck.

Batay sa talaan ng Caranglan Police Station accident prone area ang pinangyarihan ng aksidente partikular na sa pakurbadang daan.

Kaugnay nito ay muli namang nag-paalala sa mga motorista ang Caranglan Police Station na mag ingat at magdahan dahan sa pagmamaneho lalo na sa panahon ng tag ulan upang makaiwas sa aksidente.