CAUAYAN CITY – Mahigit 100 panabong na manok ang namatay na panabong na manok sa Napaccu Pequenio, Reina Mercdes, Isabela .
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Joey Herena, 46 anyos Napaccu Pequenio, Reina Mercedes na sabayang namatay ang alaga nitong dalawamput limang panabong na manok, maliban pa umano sa halos 80 panabong na manok na pagmamay ari ng kanilang kapit bahay at kabarangay.
Hinala ni Herena na may dumapong peste sa kanilang panabong na manok simula ng mayroon umanong kinatay na manok na maysakit sa kanilang lugar.
Hindi rin inaalis na sanhi ng pagkamatay ng mga manok ang biglaang pag- ulan sa kanilang lugar sa kabila ng mahabang araw na nakaranas ng mainit na lagay ng panahon.
Sa ngayon ay hindi pa matiyak ni Herena kung muli pang mag -alaga ng mga panabong na manok dahil sa pangambang maulit ang pagkamatay ng kanyang mga alaga.
Magugunitang nitong nakalipas na araw ay namatay din ang mahigit dalawang libong manok sa isang poultry farm sa Cauayan City sanhi umano ng mga naganap na brownout.




