--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagpapagaling na sa isang pribadong pagamutan ang isang tsuper na biktima ng pananaksak sa Cauayan City.

Ang biktima ay si Jerry Marquez, 51 anyos, isang tsuper at residente ng Minante Uno, Cauayan City .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Melody Operania, kapatid ng biktima, nagtungo lamang ang kapatid sa burol ng kanilang bayaw upang makilamay.

Bago ang pag-uwi ng biktima ay nakipag-kamayan pa umano siya sa mga nag-iinuman sa naturang lugar.

--Ads--

Matapos nito ay isa sa mga nag-iinuman ang umakbay sa biktima at sa hindi malamang dahilan ay sinaksak si Jerry saka agad tumakas.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang Cauayan City Police Station upang matukoy ang suspek.