--Ads--

CAUAYAN CITY– Isang elf truck na naglalaman ng mga nilagareng kahoy ang pinigil ng mga otoridad sa isinagawang anit-llegal logging operations sa barangay Garita, Cabagan, Isabela.

Sakay sa truck ang apat na katao na sina Joel Ramos, 60 anyos na nagmamay-ari ng truck; Raffy Maddawin, 34 anyos, kapwa residente ng Casibarag, Cabagan, Isabela at dalawang menor de edad na residente rin ng nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, mayroong miyembro ng task force kalikasan ang nagbigay impormasyon sa CIDG 2 kaugnay sa elf ttuck na naglalaman ng mga nilagareng kahoy.

Dahil dito nagsagawa ng checkpoint ang magkasanib na puwersa ng Cabagan Police Station, CIDG 2 , Provincial Intelligence Branch ng Isabela Police Provincial Office at Isabela Environment Protection Task Force.

--Ads--

Positibong nasabat ang truck na naglalaman ng mga nilagareng kahoy na hindi pa mabatid ang sukat .

Dinala na sa tanggapan ng CIDG 2 ang truck na naglaman ng mga nilagareng kahoy at ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.

Nahaharap sa paglabag sa Presidential Decree 705 ( Anti Illegal Logging Law) ang mga suspek.