--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang mga Overseas Filipino Wokers sa Lebanon kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong upang mabigyan ng katarungan ang namatay na OFW na si Alma Cristobal ng San Andres, San Mateo, Isabela.

Ginawa ng mga OFW ang panawagan sa pangulo sa isinagawa nilang prayer vigil sa Lebanon bilang pakikidalamhati sa pagkamatay ni Cristobal.

Nauna nang sinabi ng OFW na si Gng. Erlinda Aquino na tubong Tarlac at kasapi ng Kapitbisig Group sa Lebanon hindi sila naniniwala na nahulog si Cristobal mula sa ika-anim na palapag ng gusali dahil matataas ang rehas ng terasa ng mga gusali sa nasabing bansa.

Duda rin ang mga kapamilya ni Cristobal na talagang ay nahulog sa gusali ang kaanak dahil may nagsabing OFW na nasa likod niya ang kanyang amo habang siya ay nagsasampay ng mga nilabhang damit.

--Ads--

Sinabi ni Gng. Marilyn Orpia na maaring itinulak ng amo ang kapatid kaya nahulog sa gusali.

Inaasikaso na anya ng isa nilang kapatid na nasa lebanon din ang pag-uwi ng bangkay ng kanilang kapatid na si Alma.

Hindi na sila pumayag na isailalim sa autopsy ang mga labi ng kapatid dahil maaring abutin ng ilang buwan bago maiuwi ang kanyang bangkay sa pilipinas.