--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlong biktima ang na tuklaw ng ahas ang naitala ng Integrated Hospital sa bayan ng San Mateo.

Ang dalawang biktima ay residente ng bayan din ng San Mateo na sina Robert Nick Asuncion at Protacio Cabilunar habang ang isa pa ay residente naman ng Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, habang naglalakad pauwi galing bukid sina Robert at Protacio ay hindi nila napansin ang ahas at bigla na lamang silang tinuklaw..

Samantalang idinala lamang ang isang biktima sa nasabing hospital dahil dito umano mayroong anti-venom vaccines.

--Ads--

Ayon sa Integrated Hospital, sapat pa ang supply ng kanilang mga gamot pangunahin na ang anti-venom vaccines upang magamot ang sinumang magtutungo sa kanilang tanggapan.

Pinaalalahanan naman ang publiko lalo na ang mga magsasaka sa mga ahas na lumalabas lalo na ngayong panahon ng paglilinis ng sakahan na palaging mag-ingat.